Tertulyang Pampanitikan sa CTU

Sumulat ng makabuluhang tula ngayong Buwan ng Panitikan!

Nilalayon ng Sentro ng Wikang Filipino sa Cebu Technological University na mahubog at malinang pa ang kasanayan ng mga estudyante sa paggamit ng wikang Filipino at maipakita ang angking galing at talento sa pamamagitan ng Pagsulat ng Tula na batay sa paksa/tema: “Mga Danas sa Kamay ng Covid-19, sa Bakuna Kaginhawaan ang Hatid.”

Ang mga mag-aaral ay inaasahang maihayag ang kanilang mga karanasan at paraan ng pakikipaglaban sa kinahaharap na pandemya sa pamamagitan ng tula at mailarawan ang paksa kaugnay sa pampublikong kamalayan at kahalagahan ng pagbabakuna laban sa Covid-19 pandemic.

Basahin nang maigi ang mekaniks sa pagsali! Kitakits mga ka-SWak!

Sa ating mga senior high school na mga mag-aaral, sali na!

Ang Spoken Word Poetry ay isang uri ng akdang patula na patugma man o malayang taludturan upang bigyang-diin ang isang imahe, konsepto at kalidad ng liriko. Sa pagbuo nito, ginagamitan ng sari-saring mga masining na elemento ng tula, rap, hiphop, o jazz upang mapahusay ang ritmo ng pagtutula. Layon ng patimpalak na mailikha ang Spoken Word Poetry batay sa paksa: “Mga Danas sa Kamay ng Covid-19, sa Bakuna Kaginhawaan ang Hatid”.

Ang mga mag-aaral ay inaasahang maihayag ang kanilang mga karanasan at paraan ng pakikipaglaban sa kinahaharap na pandemya at mailarawan ang paksa kaugnay sa pampublikong kamalayan at kahalagahan ng pagbabakuna laban sa Covid-19 virus.

Basahin ang mekaniks/tuntunin sa mga banner posters na nakapaloob sa post na ito. Maraming salamat!