Buwan ng Wikang Pambansa 2026

Nakikiisa ang Cebu Technological University (CTU) sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026 bilang institusyong may mahalagang papel sa wikang Filipino sa pambansang pagtataguyod ng kultura at pagkakakilanlan ng mamamayan, at bilang tanda ng maipagmamalaking yaman ng bansang Pilipinas.

Sa CTU, ang wika ay hindi lamang midyum ng komunikasyon; ito ay daluyan ng karunungan, pagkakakilanlan, at inobasyon para sa sambayanang Pilipino.